Nakauwi na saan?

Standard

Nakauwi na ako nung April 1 dito sa bahay. Hay. Ilang araw din akong walang bagong post. Ang dami ko kasing dapat gawin. Ang daming plano. Although sinasabi ko sa sarili ko na mag-popost ako ngayon, magpo-post ako ngayon, hindi ko pa din nagagawa.

Nag-swimming kami nung Monday hanggang Tuesday sa WaterWorld. Overnight kasi kami dun. Ang di lang masaya dun ay wala si Dad. Ang dami kong nakain na barbeque. Swimming sa umaga then gabi. Then umaga ng Tuesday. May nakuha akong mga pictures.

Umuwi na kami sa bahay sa bahay na isa. Ang dami na namang trabahong dapat gawin. Hindi pa kasi medyo homely yung bahay ni Mama. Nag-paint ako ng upuan and fence. Nung una hindi ko alam. Hindi ko alam mag-mix ng color kaya lang may mga nakikita din naman ako sa mga karpintero nun. Makapal pa non yung first coating na color white. Hindi ko pa alam yung angle ng paint brush which is 45 degrees. Then nalaman ko na (obvious naman). Pero hindi pa din perfect yung first coating nalaman laman ko na lang na kulang pala yung thinner na nalagay ko nung nag-p-paint na ako ng fence at natapos ko na yung mga upuan.

Idea ni Mama na paint-an yung upuan ng pink. Kunsabagay, pink naman yung bahay niya. I enjoyed it. Kahit na may paint na sa mukha, sa damit, sa paa, at siyempre sa kamay, I enjoyed it. Wala akong picture. Wala tuloy patunay.

Hapon na nung dumating si Dad sa bahay ni Mama. Nag-impake na kami at kami’y uuwi na. Pero bago kami umuwi, nag-request si Kuya na kumain muna kami sa isang fastfood. Gabi na nun at umorder pa kami ng halo-halo. Wah. Nanginginig kami sa lamig. Haha.

Umuwi na kami sa bahay ni Dad.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s