Lahat naman tayo unique

Standard

Si Gray ay nagrereview sa tabi ko. Tinaas niya ang kanyang kanang paa sa mesa habang hinihawakan ang isang handout para sa exam niya kinabukasan. Nagbasa ulet. Mayamaya kinuha niya yung pink na panyo at suminga ng tatlong beses. Nagmemorize. Kinuha yung ballpen. Nag-underline ng ilang salita. Nagsalita at pilit minememorize ang nasa handout.

Bumukas ako ng isang tab. CTRL+t. Nagtype. twitt at bago pa man nakumpleto yung tinatayp ko pinindot ko na ang enter. Nag-login. imstillruth. tab. Tapos tinayp ko na yung password ko. Hay. Clinick ko yung Following. Ay. Binasa ko ang mga bio ng mga finafollow ko.  Katabi ng wacky na photo ni Gray ay kanyang ang kanyang bio, imperfect person with a perfect God. Nag-basa din ako ng iba pang mga bio ng iba ko pang finafollow. Wow ang astig a.

Tiningnan ko din naman yung sa akin. Ang sabi Just visit me @ FB. Ayos ah. Ang panget. Kaya pumunta ako sa settings at inerase yung bio. Wala akong maisip. Itatayp ko weirdo. Inerase ulet. At nagbukas ng isang tab at tinanong ang sarili, Ano nga ulet yung tawag sa nagdedescribe na word? Objective? Ah adjective! Nag-search ng “list of adjectives for personality” sa Google. Pinindot yung pangalawang link.

Napaka-unusual naman. Magsesearch ng description sa Google.

Habang nagloload yung tab, tinanong ko si Gray kung ano ang description sa akin. Ngumiti siya. Weird Ruth. Nag-isip ako. Yup. Lagi namang ganun ang description sa akin. Kung hindi weird e di happy-go-lucky. Ang sinagot ko sa kanya. Weird? At hinarap yung computer at itinayp ulet yung weird na may kasamang o sa dulo, Weirdo. Inerase ulet. Tinayp Unique. Tapos bigla kong nasabi, Lahat naman tayo unique.

Then, wala pa din akong bio.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s