When revenge is blocking my thinking capability

Standard

Pumunta ako kanina dun sa palengke. Bibili ako ng ice candy. Yung araw talaga kakaiba na yung init. Ang sakit sakit sa balat! Awwch!

Pagdating dun sa tindahan. In Ilocano, Ate may ice candy po ba kayo? Ilan? With fast thinking, sinabi ko na lima. Kahit hindi ko naman yun masyadong pinag-isipan. Nung nakabili na ako’t kinakagatan ko na yung isang ice candy, bigla akong nauhaw.

So bumili muna ako ng Pop. Pauwi na.

Sa daan kong pauwi, may isang car wash shop. Then may biglang sumigaw, ice candy sana. Yung isa naman niyang kasama ganun din. Hindi ko pinansin. Baka may ibang tao na nakahawak ng ice candy. Tiningnan ko kung meron sa likod ko, ako lang ang may hawak na ice candy. Diretso lakad thinking na titigil din. But alas, hindi. Lumakas pa lalo habang ako’y papalayo.

Naisip ko, binabastos ako ng mga to ah. Then kumuha ako ng ice candy at tumingin dun sa lalaki–about late twenties. Parang gusto talaga nila ng ice candy, huh. Inihagis ko yung ice candy sa kalsada sa may banda sa kanila.

Hindi na ako umimik at sinabi ko sa sarili, Kung talagang gusto niyo ng ice candy, pulutin niyo *ang cocky naman*. Tapos naglakad ng parang nasa beach–relax. Tumigil na din sila sa kasisigaw. Dumbfounded siguro. Hindi siguro nila ineexpect na ganun ang gagawin ko.

Dati kasi, lagi silang ganun. Sumisitsit or anything na katulad ng ginawa nila kanina. I really hate it. Tinotolerate ko lang nun tutal hindi naman nila ako directly na inaassault.

Ngayon at nasa bad mood ako (something cantankerous happened this morning–another loooooong story), the cocky attitude comes out. Anyway hindi naman sa cocky talaga pero I’m just asserting my rights.

And eto yung mga tanong na gusto kong tanungin sa kanila:

1. Siguradong may pera na sila bakit pa nila isisigaw na gusto nila ng ice candy?
2. Bakit pa nila sinisigaw na gusto nila ng ice candy kung ang lapit-lapit ng tindahan?
3. Ako lang ang nakahawak ng ice candy dun sa kalsada kanina. Hindi nila mad-deny na hindi para sa akin ang mga sigaw na iyon. Kung meron man, multo na yun na nakahawak ng ice candy tanghaling tapat sa kalsada ng palengke.

Gusto lang nilang mambastos. But that’s what they get!

1. It’s charity. They want the ice candy that bad, I’m giving it free–in a cocky way.

But I really hate it when I do revenge. There’s the guilt.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s