Planted corn and three challenges

Standard

Tinulungan ko pala si Lola na magtanim ng mais. Actually, apat kaming tumulong sa kanya. Hindi na siya nagtanim. Pangalawang beses ko na itong magtanim ng mais. Haha. Tinulungan meaning walang bayad. Pero abot tenga yung ngiti ni Lola nung sinabi kong tutulungan ko silang magtanim.

Nagising ako ng 3:30 hindi ako makatulog. Tinawag kami ni Dad. Punta na daw kami kina Lola by 4am.

Pagdating dun, kumain muna kami. Then kinarga na yung fertilizer at yung binhi.

By 5am, pumunta na kami sa bukid sa Diarao. Nakalong sleeve, nakalong pants at naka-hat. Haha. Nakakatawa nga e. Mukha akong scarecrow. Lalakarin pa yung nasa bukid. Sinumulan na naming maglakad. Ang challenges:

1. Ang bitbit akong tubig. Ang layo-layo pa man din ng lalakarin. Nakikita ko kung saan kami magtatanim. As in kitang-kita ko, kaso malayo pa pala. Ang sakit-sakit na ng kamay ko!

2. Ang tsinelas ko. At dahil umulan kahapon, bumigat yung tsinelas ko dahil dumidikit pala yung lupa. Nakita ko yung expert nang mga kasama ko, nakapaa na lang sila. Ah. Ganun pala. Tinanggal ko yung tsinelas at fineel yung medyo basang lupa.

By 6am, nagkaroon muna ng tutorials bago kami (kasama ko si Kuya) actual na magtatanim. Hawak ko yung supot ng mais na itatanim at tiningnan kung ano yung ginagawa ni Uncle Victor. Halos isang paa ang layo ng mais. Ihuhulog at gamit ang paa, cocoveran ng lupa. Ah. Okay. Ako yung unang linya sa pinakadulo ng bukid. Challenge:

3. Ang paghulog ng butil ng mais. Kung minsan malayo kung minsan naman malapit. Kaya pinupulot ko at sinasakto. Nakita kami ni Uncle. In Ilocano sinabi niya, Ay, bakit ganun, parang palay. Makita kayo ng ibang tao sabihin hindi niyo alam magtanim. FYI, Tito, second time po. Yung first time ay nung baka early teens pa namin.

Nung later part na ng pagtatanim medyo umiinit na yung sun. Ang ganda nun ng rising sun. Ang bilis umakyat. Hindi naman masyadong problema yung sun eh. Haha. Naging expert na din ako sa pag-hulog ko ng mais. Mabilis na din akong magtanim.

Then umuwi na kami by 9am. Pagdating sa bahay, kumain ulet at natulog for 5 straight hours. Haha. Sobrang pagod.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s