Mahal nga pala

Standard

Ewan ko na. Ang dami ko nang iniisip. Do I worry that much?

Here’s my problem. (I don’t want to share it with you but, basta, wag niyo na lang basahin kung ayaw niyo ng problema).

Pinag-iisipan ko kung mag-tra-transfer na lang ako sa ibang school. Mahal kasi sa UP e. Ayos lang sana kung walang sakit si Mama. Take note na nakiki-agaw ang allowance at tuition fee ko sa gamot ni Mama.

Eto na siguro ang pinakamahirap na desisyon sa buhay ko. Hay. Hindi naman ako makapasok sa mga scholarships dahil hindi man lang sumabit sa dos yung GWA ko (FYI din, hindi naman ako masyadong bobo kagalingan).

Kung mag-tratransfer naman ako sa iba, gagaan yung pamumuhay ni Mama (hindi na siya umiiyak kapag gabi) at makukuha ko ang gusto kong course.

Dream school ko ang UP pareho kami ng bespren ko. Ilang taon ko din ‘tong pinangarap. Ngayon at nandito na, tsaka naman gustong mawala. Hiningi ko pala kay Lord ‘to. Sabi ko, Lord, sana makapasa ako sa UP. Haha. Ayokong isipin na pinasa lang Niya ako at hindi patatapusin.

Ewan ko na din kung paano umiyak ng tama. Literal na mabigat sa puso. Para ata akong maaatake.

Kung lumipat man ako at malalaman nila kung saan ako nanggaling, pinapanalangin ko na sana wag nilang sabihing, Sayang. Dahil ayokong ipanamumukha nilang pinipilit kong ‘di magsisi.

Limited edition, no? Lahat ng bagay sa mundo.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s