Leche Flan Diary: The Idiot

Standard

Dahil may mga itlog na sa bahay, ang binili ko na lang ay isang can ng condensada. Naganahan naman akong magluto dahil sabi dun sa can ng condensada pwede daw ang whole eggs. So hindi ko na kailangang magluto ng coco macaroons o egg white omelette.

Then nagstart na ako. Nag-crack muna ng eggs. Tapos hinalo, slowly para walang bubbles na mabuo. Hindi ko nga pala matanggal yung mga buong parts ng egg. Yung parang may buhol-buhol ba. Kailangan yata ng muslin cloth para ma-strain. Pero hindi ko alam kung saan ko nalagay yung muslin kaya wag na lang muna. Next time na lang.

Tsaka hindi na pala ako nag-caramelize ng sugar. Since ang gagamitin ay white sugar, hindi na ako nag-lagay dahil processed masyado.

After ilang stirring, (stirring ang ginawa ko dahil hindi naman sinabi kung paano ang magcombine ng eggs) hinalo ko na yung condensada. Halo ng halo slowly. May mga nabuo ding mga bubbles dahil naiinip na ako. Nag-cut na ako ng limang malalaking passion fruit. Tapos hinalo yung mga seeds niya dun sa egg-milk mixture. Ang rason kung bakit hinalo ko yung seeds niya dahil sayang naman. Tsaka puro seeds yung nasa loob ng passion fruit. Then hinalo ulet. FYI, maasim nga pala ang passion fruit.

Tapos pinor ko sa dalawang llanera. Buti na lang hindi na ako bumili ng evap, kundi hindi na kasya sa mga llanera ni Mama. Then tapos na. Handa na akong magpa-steam. Yay!

The other problem sa pag-i-steam, hindi ko pwedeng gamitin yung steamer ni Mama. Ang rason ay secret. Kaya dun na lang ako sa improvised steamer. Haha. Then nung kumukulo na, linagay na yung llanera at nag-countdown timer ng 45 minutes. 30 minutes sa high heat, 15 minutes mamaya para sa low heat.

Then nag-blog.

Malapit na palang maluto. Kung pagbabasihan natin yung time. 5 min & 30s. My first ever leche flan. Hmm. Ano kayang lasa? Masarap kaya? Too eggy, too sour, too sweet, too soft, or just right?

Naluto din. And I’d tell you, hindi siya perfect. May mga bagay na dapat sinasayang na lang. Kumuha ako ng mainit-init pang leche flan. The taste is great I tell you. But yung mga seeds. Ugh. Dapat di ko na linagay.

Pero masaya ako dahil nakapagluto ako ng puchu-puchung leche flan.

For the recipe: The correct version
Ingredients:
1 300ml can condensada
1/4 cup passion fruit juice
8 egg yolks

Materials:
water for steaming
steamer
2 llanera or 2 medium oval mold
knife/can opener
strainer/muslin cloth
big bowl
fork

1. Stir egg yolks slowly. While stirring add slowly condensada until smooth then add juice. Stir.
2. Place egg-milk-juice mixture in llanera. Cover with aluminum foil.
3. Cook in the steamer for 45 minutes.
4. Refrigerate.

Makes 2 flans in medium llanera

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s